Cardinal Rosales pumalag sa utos ng NSO
Dec 24, 2007
Nadismaya si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales sa direktiba ng National Statistics Office na lahat ng mga pari ay dadaan sa pagsasanay ng NSO ukol sa pagdadaos (o pag-solemnize) ng kasal.
(gmanews.tv, 12/23/07) “We understand NSO’s concern because we know of abuses done by so-called ministers of the Gospel (not priests), but they [NSO officials] should not be like that to us, as if we know nothing," Rosales said.
Ayon kay Rosales, mahigit 2,000 taon nang nagkakasal ang Simbahang Katoliko at nakalulungkot para sa mga pari ang direktiba ng NSO.
“The truth of the matter is we have been solemnizing weddings for 2,000 years already and now they are going to teach us how? Now we are going to see who is really more capable," ayon kay Rosales sa isang panayam.
Sa naturang desisyon ng gobyerno, nagmukhang walang alam ang mga pari tungkol sa pagkakasal, ayon kay Rosales, na pangulo rin ng Commission on the Clergy ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
“The Church is not contentious. If they [government officials] want to add something then they might want our cooperation, but don’t make it appear as if we know nothing about (solemnizing) weddings. That’s the only sentiment of the Church to NSO," dagdag pa ng Cardinal.
Nauna nang hiniling ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng CBCP, sa gobyerno na kanselahin ang direktibang kailangan dumaan sa orientation seminar ang mga pari dahil itinututuro sa seminaryo ang pag-solemnize ng kasal.
Hindi rin kailangang dadaan pa sa training ang mga pari dahil updated ang mga ito sa marital laws ng bansa sa pamamagitan ng diocesan chancellors at sa tulong din ng mga eksperto sa canon law.
Nitong buwan, nakatanggap ang mga pari ng kopya ng bagong memorandum mula sa NSO na ibinaba noong ika-6 ng Nobyembre 2007.
Ang bagong patakaran ay nakabatay sa Administrative Order No. 1 Series of 2007, na naglalahad ng mga alituntunin at regulasyon hinggil sa pagrerehistro ng mga taong binibigyan ng awtoridad na magdaos ng kasal.
Naksaad sa alituntunin ng AO no. 1 na bago bigyan ng certificate of registration and authority to sanctifying marriage (CRASM) ang isang solemnizing officer (SO) kailangang may hawak itong katunayan na dumaan sa training ng NSO.
Ito’y nangangahulugang hindi maaaring magsasagawa ng kasal ang isang pari kung walang maipapakitang certificate of training mula sa NSO.
Ang mga kursong nakapaloob sa seminar ng NSO ay ang marriage laws and other related laws, marriage registration procedures, at registration procedures of the authority to solemnize marriage of SOs.